At first I thought loving someone will make you happy. Yung tipong every minute, every second of a day magiging masaya ka. Pero hindi pala. I'm not saying that loving someone won't make you happy. Katunayan ang sarap nga magmahal ng isang tao e, yung love na mutual. Syempre magsisimula yan sa pagkakaroon ng isang relasyon. Pero gaano nga ba kahalaga ang pag-ibig sa isang relasyon? Naiisip ko rin minsan. Kapag hindi ka na ba masaya sa relasyon mo ibig sabihin hindi mo na mahal yung tao? Tingin ko hindi rin totoo yan. O pwede ring depende e. Nararanasan lang yung time na yun kapag nawawalan kayo ng oras sa isa't isa e. o kaya naman paulit-ulit na lang ang ginagawa niyo. Yung tipong ngayong araw bati kayo, bukas away, tapos bukas makalawa away ulit, tapos bukas mangatlo bati nanaman. Talaga nga namang nakakasawa yun. Pero sa tingin mo ba tamang sabihin mo sa sarili mo na hindi mo na mahal yung tao? Hindi ba pwedeng wala lang talaga sa oras? Sa aking pananaw, wala naman yan sa pagiging masaya ng tao e. Nasa kung anong nararamdaman mo. Siguro nga dun nasusukat kung mahal mo nga ba ang isang tao. Na kahit magbangayan kayo buong magdamag e hindi mo pa rin siya kayang iwan. Pero yung iba naman kasi may hindi lang maiwan kaya hindi nila maiwan yung tao. Ang kulit din e noh? Pero ano nga ba?
Siguro yung pagmamahal talaga e yung may nakukuha ka sa tao na hindi mo nakukuha sa iba. Alam mo yun? Hindi siya pisikal na bagay na nakukuha pero yung nararamdaman mo. Yung tipong hindi mo iiwan ang tao dahil dun. hahaha. nakakatawa lang isipin na yun ang nararamdaman ko noon. Naiwan ko siya dahil sa mas maganda yung isa. Pero ang ending sakanya rin ako bumalik. Alam niyo yun. Hindi ko talaga literal na binalik agad yung taong yun. Siguro naramdaman ko lang na siya yung kailangan ko at hindi yung gusto ko lang. Iba talaga kapag mahal mo yung tao e. Wala yan sa sinasbi ng bibig mo o kaya sa ginagawa mo. May tinatawag talaga tayong puso. Yun yung puso na kapag masaktan ka e tumitibok ng mabilis. haha. parang bata e noh. Pero ang realidad, meron nga talaga tayong nararamdaman dun mismo sa puso natin kapag nasasaktan tayo. Yun yun. Basta, mahirap yan ipaliwanag. Kanya-kanya tayo ng pananaw sa pag-ibig. Pero isa lang ang masasabi ko. Oo nakakasakit yung pagmamahal. Pero masayang-masaya naman magmahal. Lalo na kung mahal ka rin nung mahal mo. Heaven. hehe. Thank you.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete